after hours: how i imagine ryulnyul in a relationship pt. 1

“Baby. pinagluto kita ng lunch. Kumain muna tayo.”

Si Ohyul na kanina pa kumakalam ang tiyan. Si Ohyul na kulang ang tulog dahil sa finals week. Si Ohyul na namumugto ang mata dahil siya lang ang gumagawa ng output nila sa isang minor subject. Si Ohyul na magkanda baliw na dahil hindi alam kung ano ang uunahin, ay napatingin sa poging pogi niyang boyfriend.

Teary eyed, sinubukan niyang huwag ipakita na naiiyak na talaga siya sa patong patong na responsibilidad na kailangan gawin. Pero syempre, si Ryul na to, eh. Alam na alam niya kung paano makuha si Ohyul. Isang yakap, isang halik o kahit isang himas lang ng likod kapag feeling niya tutulo na ang luha niya, ay of course! Bibigay talaga ‘tong alaga natin. Tinalo pa talaga si Kathryn ng Hows of Us.

Huminga siya nang malalim. Sakses sa pagbalik ng luha sa kaloob looban ng mata niya. “Sabi ko naman sayo, kahit tabihan mo lang ako habang nagaaral, ayos na sa’kin.”

Tumaas ang kilay ng boyfriend. “Tabihan lang kita, eh, halos lumuwa na mata mo kakapigil ng hikab tapos rinig ko pa na kumakalam na tiyan mo.” Sinabit nito ang good morning towel na hawak niya sa kanyang balikat bago pinunas sa mukha. “Malamang pagluluto kita. Pagtapos, matutulog tayo.” May pinal sa tono niya.

Gusto na sunggaban ng halik ni Ohyul ang pinakamamahal niyang tao in the whole wide world. Ang kaso, sa sobrang pagod niya napatango na lang siya bago tinapik ang space sa tabi niya. Nakaupo kasi siya sa sahig habang nakakalat ang mga papel at laptop sa japanese style table ng kanyang unit.

Mabilis naman lumapit si Ryul sa tabi niya. Na para bang tinawag ng amo at magpapalambing. Ganito naman palagi ang eksena nilang dalawa kapag exam week ni Ohyul.

Si Ryul na laging nasa tabi niya at si Ohyul na halos malagutan ng hininga dahil sa stress.

“Pahinga ka muna, Baby. Yaan mo na muna yan. Tulungan kita mamaya.”

As expected sa top student ng engineering course! Kahit na kasabay ng finals week nila ang exams nila Ohyul, kayang kaya niya pa rin samahan ang mahal niya. Na akala mo ay tatakbo kandidato sa pagiging best boyfriend ng buong mundo.

Dumantay naman si Ohyul sa balikat ng katabi. Para paraan din siya kasi di na sila nakakapag bonding simula pa nung Monday dahil sa mga fuckshit niyang gawain. Syempre, nasa isip niya ang unahan muna itong tapusin kesa sa ang mauna siyang matapos.

Pumikit siya. Ang hindi niya alam, kanina pa siya pinapanood ni Ryul. Sa bawat buntong hininga niya, sa bawat pag pikit niya ng ilang minuto para ipahinga ang mata at pati simpleng pagkusot nito ay walang takas sa mata ng kasama. Gustong yakapin ni Ryul ang kasintahan, ang kaso kasi kapag nakikita niyang nakatingin din sa kanya si Ohyul, di niya kayang pigilan ang di makamundong bagay na naiisip ng kanyang utak kaya hanggang himas lang siya ng likod nito.

“Tulog muna ako, Baby. Gisingin mo ako after an hour,” si Ohyul sabay yakap sa braso ni Ryul.

Hinaplos ni Ryul ang buhok ni Ohyul bago sumambit ng mahinang ‘okay’.

Edit

Pub: 14 Jun 2026 08:23 UTC

Views: 12