★☆★
goes by the name MARTINA FLORENCE TAN.
she / they, of age (21). n/sfw.
topograpiya ni martina
kakaiba ang mundo sa tabi ni florence.
may lamig. hindi 'yung lamig na dulot ng sagada o baguio, kundi lamig na bumabalanse sa init ng kaarawan. lamig na kumportable. lamig na nanlaambing. mistulang kumot na bumabalot sa kariktan ng kaniyang pangarap at katatagan, tumatagos sa kaibuturan ng kaniyang puso. ito ang itinuro sa kanya ni martino tan, ang kaniyang namayapang ama noong siya'y lumaki sa copenhagen pagkatapos ampunin.
may kulay. minsan ay kahel, kung minsan ay lila. minsan ay humahalo sa bughaw, kung minsan naman ay iba ang bahid. ito ang makikita mo sa flowershop ni martina sa kahabaan ng lacson avenue. dito, makikita ang ligaya't lungkot, pagkasabik at pangungulila ng kamaynilaan—ngunit hindi nagdidilim.
may hugis. bawat sulok ay may paghahangad, walang katapusang padidiskubre sa ganda ng sining. nais niyang malaman kung ano ang bumubuo sa pangngalang karapat-dapat itangi sa kaniyang pag-aaral sa ust ng masteral sa creative writing.
kakaiba ang mundo sa tabi ni florence.
may bihis na hinahanap-hanap ng kaniyang pandama—ng paningin, ng pandinig. kakaiba. pero nais niyang makasanayan sa topograpiyang hindi permanente.
Current top picks in films - Soulmate (2023) dir. Min Yong-geun - Patay na si Hesus (2016) dir. Victor Villanueva - Kisapmata (1899) dir. Mike de Leon
Current top picks in music
- Daisy by PENTAGON
- Youngblood by 5SOS
- Goodbye Yellow Brick Road by Elton John
heart eyes for stargazers, matcha, tangled, and anything cinnamoroll!
??? wasabi
martina's note
dnf if you fit the basic do not interact criteria, heavily interacts with her mutuals, and strictly & solely in character.